Friday, December 7, 2012

A (not so) New Ride, A New Riding Chapter

Finally, after thinking about it for a long time, I decided to let go of my Wave 100R. It was not an easy decision, but it was time to move on. I got myself a new ride. Pero bago ako nagpalit ng motor, nagtanong tanong muna ako sa forum na tinatambayan ko lagi kung ano sa tingin nila ang magandang motor para sa qualifications na nasaad ko.

And, base sa mga comment na nakuha ko, the winner of the poll was actually a no-brainer. Here is my (not so) new ride, it was taken during one of my test rides (the details of which I will post later).


Wednesday, December 5, 2012

Da Adbentyurs op a Lone Rider Part 5: Wave 100R Send-off

Matagal tagal ko na rin itong pinagisipan. I love my Wavey, pero bitin talaga ako sa power nya. Medyo marami na rin akong naigastos para sa upgrades, pero wala pa rin. I decided on getting a new MC, pero habang hindi pa ako kumukuha, I decided to do a "send-off ride" for my Wavey - this time will be my longest ride on this motorcycle. 

Thursday, November 22, 2012

Matnog Ride with Sir Emil and friends

October 16, 2012 - Sir Emil came to my workplace to personally invite me to his planned ride. Hindi ko alam na matagal na palang niluluto itong ride, hindi ko lang nasubaybayan kasi sa kabilang forum (MCP) sila naglahad ng plano. But I was planning to ride the next day anyway, so I gladly joined the fray.

The next day, I woke up early to a great sunny day. Maganda ang panahon para mag ride. Konting linis lang ng motor, and before 9am alis na ako to meet up with sir Emil and company. Our hook up place was the Daraga Shell station, the only one in Daraga. There, they were already waiting for me (I was late, LOL).


Saturday, November 3, 2012

Da Adbentyurs op a Lone Rider Part 4.1

October 17, 2012. Another Wednesday, oras na naman para gumala. May nakita lang akong post ng idol kong solo rider. So nagpasya akong bisitahin rin ang pinuntahan nyang natatagong paraiso na malapit lang sa aming bayan. Konting linis muna kay Fenrir, dala ng extra set ng damit at gamit, larga na. Destination: Paguriran Island.

Medyo late ko nang napagisipang ituloy ang ride ko, kasi nung umaga eh medyo makulimlim ang panahon. Hindi naman tumuloy ang ulan, kaya diretso ang aking lakad. Mga 1:30pm nung nagsimula akong bumyahe papunta ng Sorsogon. Masarap talaga ang twisties ng papuntang Sorsogon, hindi gaanong sharp ang mga curves kaya kahit sa pipitsuging riding skills ko eh kaya kong lumiko dito at full throttle. Hindi naglaon at nakarating ako sa arko ng Sorsogon. Wala ng picture picture kasi nakailang picture na rin ako dito. LOL.

Wednesday, October 17, 2012

Short post: New Helmet, New ICC Sticker

Kamakailan ay bumili ako ng bagong helmet, my first full face, para sa aking mga ride. Napansin ko lang na bago na ang ICC sticker. Sabi ng saleslady, yan na daw ang bagong ICC sticker ngayong 2012. 


Quick Ride with Sir Emil

Isang Martes ng hapon, nagkayayaan kami ni Sir Emil of UBP/MCP na mag quick ride (actually, ako ang nag-aya, LOL). With a quick plan, napag-usapan namin na magkita sa Tiwi around 1pm the next day. Itinerary: Tiwi-Joroan-Sagnay and Mayon Rest House.

Tuesday, October 2, 2012

Matnog Ride with UBPeans

September 14, 2012. A handful of co-UBPeans led by sir Warren (buzaizai_88) started their Bicol ride, as part of a quest to be called a "South Looper". By the afternoon, they were already in Naga. Gusto ko rin noon makaexperience ng ride na may kasama, kaya I was pretty enthusiastic about going with them on their ride to Matnog.

Thursday, September 6, 2012

Da Adbentyurs op a Lone Rider Part 3

Nagkaroon naman akong ng bakanteng oras, at nangangati na naman ang aking paa (at kamay) kaya naisipan ko ulit gumala. This time, nag attempt ako na mag mini loop. Albay - Camsur lang, kasi hapon na rin nang naisipan kong gumala. Maganda ang araw, halos walang ulap sa kalangitan, kaya tuloy na ang lakwatsa. Konting preparasyon, and at around 3:00PM, larga na (this time, hindi ko na nakaligtaang ibalik sa stock 36t ang aking rear sprocket).

Wednesday, August 29, 2012

Da Adbentyurs op a Lone Rider Part 2

Sa wakas, after several days of tadtad na overtime, nagkaroon ako ng bakanteng oras, at maganda naman ang panahon ngayon, kaya napag isipan kong gumala ulit. Na inspire kasi ako sa isang post sa forums na madalas kong tambayan, kaya napag desisyunan ko na puntahan din ang lugar na pinuntahan nya na. Actually, matagal ko na rin tong balak gawin, hindi lang mabigyan ng pagkakataon. 

Kaya, ngayon gumising ako ng maaga (mas maaga kesa sa usual kong oras ng pag bangon) para linisan si Fenrir. Paligo at VS One, pogi na ulit. Kumain, konting preparasyon, at tumulak na ulit ako. Destination: Misibis Resort (or so I thought).

Thursday, August 2, 2012

Da Adbentyurs op a Lone Rider Part 1

Isang mahanging miyerkules ng umaga, maaga ako nagising. Naglinis ako ng maaga dahil maya maya ay maga-anime marathon ako. Nang natapos ko na ang aking dapat gawin, binuksan ko na ang aking PC at nagsimulang panoorin ang Fairy Tail.