Sa wakas, after several days of tadtad na overtime, nagkaroon ako ng bakanteng oras, at maganda naman ang panahon ngayon, kaya napag isipan kong gumala ulit. Na inspire kasi ako sa isang post sa forums na madalas kong tambayan, kaya napag desisyunan ko na puntahan din ang lugar na pinuntahan nya na. Actually, matagal ko na rin tong balak gawin, hindi lang mabigyan ng pagkakataon.
Kaya, ngayon gumising ako ng maaga (mas maaga kesa sa usual kong oras ng pag bangon) para linisan si Fenrir. Paligo at VS One, pogi na ulit. Kumain, konting preparasyon, at tumulak na ulit ako. Destination: Misibis Resort (or so I thought).
Bago pa man ako tumulak ay nagtanong tanong na ako kung san ba dadaan papunta dun, kumusta ang kundisyon ng daan. Syempre, mahirap na. Ok naman daw, at maganda rin ang panahon, kaya tuloy na tuloy na.
Mula sa Legazpi, around 15-20 minutes lang papunta ng Sto. Domingo proper. Mula doon, ay tatahakin mo ang daang tadtad ng resorts. "Dirediretso ka lang, ang gawin mong landmark ay yung Manhattan resort." yun ang sabi sakin. "Pagka lampas mo ng Manhattan ay diretso lang. May signage naman ang Misibis every few kilometers, kaya hanggang nakikita mo yun, eh sigurado tama ang dinadaanan mo." Kaya ayun, around 22.xx kilometers, ayon sa unang signage na nakita ko from Sto. Domingo. Along the way, picture picture din sa mga lugar na napaginteresan ko. Siyempre hindi lang naman Misibis ang sadya ko eh. Yung view na rin.
10 minutes later, eh dumilim at umulan. Peste, for the last 10 or so days hindi umuulan, bat ngayon pa. Isang oras din ako nakitambay sa hall ng Brgy. Salvacion, friendly naman sila. :)
Nung bumuti na ulit ang panahon ay tuloy ang aking paglalakbay... Some pics along the way...
Too bad my camera ain't good enough to fully capture the view
House on stilts
May mangrove forest dyan sa medyo unahan, di ko lang nakunan ng pics
Sa wakas, narating ko rin ang Brgy. Sula, meaning malapit na ako sa aking destinasyon. Ang next landmark ko kasi ay isang tulay na matatagpuan sa barangay na ito. Yun ang tulay papuntang Cagraray Island, kung saan matatagpuan ang Misibis Resorts.
There was a fork in the road. Pag diretso, papuntang Sula Channel, sa right ay papunta ng tulay. Dinaanan ko na muna ang Sula Channel.
Dito dati ang daan papuntang Cagraray island. Kung may dala kang sasakyan, eh isasakay mo ito sa isa sa mga barge na ito.
Hindi na daw operational ang mga barge sa ngayon, dahil nga tapos na yung tulay papuntang Cagraray
Backtrack to the fork, and going the other way, we get to the bridge.
Sadly, pagka lampas mo ng bridge eh merong about a third of a kilometer of unpaved road. Kaya sabak si Fenrir sa maputik na akyatan. After that eh sementado na ulit ang daan. Sana ipaayos na nila agad ito.
This might not look much in this picture, pero matarik din to.
Habang papalapit ako eh lalong tumatarik ang daan, doon ko lang naalala, sa lahat ng ginawa kong preparasyon, nakalimutan kong ibalik sa stock ang rear sprocket ko. Amf. Naka -2 teeth pala ako ngayon. Nakow! Pero buti at kinaya naman. Primera lang sa mga masyadong matarik na parte, kinakapos kahit segunda. Pero kung may angkas ako, eh malamang lalakarin na namin yun paakyat. X_X
Hindi halata dito, pero that's a 50-something degree incline. Primera mode activated.
Some more scenery along the way...
The first of a couple of view decks.
The view from that... erm... view deck.
Another 50-something degree incline. X_X
The only good thing about it is, ang sarap humataw dyan downhill. >:)
Which I did nung pauwi na ako. In moderation, of course.
Moving on, picture picture pa rin. XD
Sa wakas eh may mapapagpatungan ako ng cam ko kaya kahit papano eh napicturan ko rin sarili ko. LOL.
The second view deck.
Lubusin ko na, tutal andito na rin lang naman ako. LOL.
A few more kilometers and narating ko na rin ang supposed destination point ko. Misibis Resort. Sa wakas! White sand! Woohoo! Wait, what... May eksena. Lumapit ako kay manong guard.
Me: Manong, may entrance po ba?
Manong Guard: Meron.
Me: Magkano naman po? (Sana below 300 lang...)
Manong Guard: Bale PHP3,400 po sa ngayon per head. Pero kung nagpa book ka sa mga agents, free ang entrance. Sa Gaisano po, pwede ka magpa book.
Me: (flashback... I remember talking to one of them "agents" and he said: "18k per night po ang package namin").
Manong Guard: (seeing na tulala na ako) Meron pa naman po dyan na Ecopark, meron din silang swimming pool. Diretso ka lang dyan.
Me: May entrance din ba?
Manong Guard: Meron, pero 25 pesos lang yun. May pool din sila dun.
Me: Okay, sige po salamat. (Inner me: *^#@$#&!$@, makapag-picture na nga lang...)
Hence, the next 2 pictures below...
Entrance
Some of the activities you can do here. Under development pa daw yung iba, the one that caught my attention was the planned downhill luge course.
The Amphitheater. Recently, some stars went to shoot here for some ABS-CBN teleserye. I don't know what, I don't watch TV. XD
Nauto ko si ate receptionist na kunan ako ng picture. XD
Isa pa po, sabi ko.
Si ate na ang nag insist na kunin pa tong picture. LOL.
Chapel atop the hill.
Gusto ko sana tong itry, kaso under maintenance daw sabi ni manong caretaker. Also according to him, Manny Pacquiao, his wife, and Dyan Castillejo have been here. Pati na rin daw yung Azkals. They will complete the revamp of this by October, kasi may event daw.
Entrance to the swimming pool.
Going to the hanging bridge.
The Hanging Bridge, maiksi lang naman. Pero try ko na rin. XD
View from the other side.
The setting sun against the hills. Oras na para umuwi.
Those cables are for a zip line. 400 pesos daw for a 550-meter zip. Pero like the other facilities, under maintenance. Would like to try this one day.
Ayun, pa gabi na kaya oras na umuwi. Time to check my ride. Ok pa naman siya, nalubak kasi ako on my way here. But one thing is for certain: bukas papaliguan ko na naman sya. X_X
Later.
PS: My expense for this trip - only 1 full tank of fuel and 25 pesos entrance fee. May tira pang gas for around 3 days service work to home. :)
No comments:
Post a Comment