Isang mahanging miyerkules ng umaga, maaga ako nagising. Naglinis ako ng maaga dahil maya maya ay maga-anime marathon ako. Nang natapos ko na ang aking dapat gawin, binuksan ko na ang aking PC at nagsimulang panoorin ang Fairy Tail.
Nasa kasarapan na ako ng aking panonood, si Natsu ay bubugbugin na sana ang kalaban nya matapos nyang makakain ng apoy, nang biglang...
isang napakalakas na bugso ng hangin...
"timbeeeerrrrrrrrrrrrr!"
"Buset na brownout ka, napaka wrong timing mo... #$%@*$(*@!"
So lumabas muna ako para makiusyoso kung ano yung narining kong ingay. Nahagip pala ng hangin ang isang malaking sanga ng isang matandang puno, sumampa ito sa isang kawad ng kuryente, and voila, instant savings sa bill sa kuryente.
Napagtanto ko na sira na itong araw na ito dahil matatagalan bago maayos ang kawad ng kuryenteng iyon, baka maghapong walang kuryente sa amin. Pero hindi, hindi dapat masira tong araw na to. Naisip kong lumabas na lang ng bahay, pero san naman ako pupunta?
Sa mall? Eh araw araw na akong nasa mall, dun ako namamasukan eh. Tsaka wala naman ako kasama mag malling. Boo.
Naisip ko na lang na mag ride. Inaya ko ang kaibigan kong bakante rin nung araw na iyon, tutal inaya nya na ako dati na mag ride nung nakaraan, kaso naging maulan lately.
Ako: "Pre, tuloy na natin yung ride natin. Wala ako magawa eh, brownout, badtrip."
Pre: "Sige bah, san naman tayo magra-ride?"
Ako: "Kahit san... Punta tayo ng Naga? Ikot ikot lang."
Pre: "Sige bah, pero wala ako pang gas eh, libre mo ko? Yung bayad nga pala sa muffler mo, at yung nauna kong atraso, pwedeng sa katapusan na lang? Saka medyo gipit ako ngayon eh, baka pwede muna makahi..."
Ako: "The number you have dialed is either unattended, or out of coverage area. Please do not try your call later."
Kontakin ko na lang nga yung isa ko pang kaibigan.
Ako: "Pre, baka gusto mo mag ride ngayon?"
Pre#2: "San naman pre?"
Ako: "Punta tayo ng Naga."
Pre#2: "Ang layo, hindi naman tatagal ang kabayo ko sa long ride."
Ako: "Bakit, anong klaseng damo ba pinapakain mo dyan sa kabayo mo, yung damong byaheng langit?"
Pre#2: Wala ng reply, wala na atang load, o baka sumama na sa byaheng langit.
Buset, makapag ride na nga lang mag isa...
So, chineck ko muna ang aking iron horse kung handa ba ito sa isang long ride. Konting punas, konting lagay ng VSOne, konting preparasyon, at tumulak na ko...
Sa isang oras, ay nasa boundary na ko ng Albay (ang aking probinsya), at CamSur. Pityur pityur muna sa arko bago magpatuloy.
Wala eh, di ako makapapityur, solo ride nga eh, kaya mga tanawin na lang pipityuran ko. Halos kalahati na ako sa byahe ko pagkarating ko sa arkong ito. Mula Bato hangang Pili, nakipaglaro ako ng munting karera sa bawat ka-waver na makita ko na sinasabugan ako ng hangin sa mukha na galing sa kanilang tambutso. Buti pa dito, hindi pa kasi syudad ang karamihan ng mga lugar dito, kaya panay mga naka-open pipe ang mga nagmomotor. Trending daw... Sabagay, hindi nga naman nakakaistorbo ang ingay ng open pipe sa mga kalabaw dito eh.
Bago mo pa man marating ang Naga, kung galing ka ng Albay, ay mas mauuna mong madaan ang CWC sa Pili. Dumaan muna ako dito para magpahinga ng konti at mag pityur pityur na rin. Heto pics ng CWC. Maganda dito, ayos tong pasyalan pag nakapag ride dito ang mga taga-UBP.
isa sa mga winch para sa kabitan ng mga nagwa-wake
choose your gear
wakeboard course
Lago del Rey, pwede mag swimming pero per hour ang bayad
winch ulet, this time wid matching rainbow...
and of course, ang aking iron steed "Fenrir".
Gusto ko rin sana mag wake, pero wala naman ako mapag iiwanan ng gamit ko. Tsaka, puro poreyndyer mga nakita kong nagwa-wake, mga pro na ito, baka ipahiya ko lang sarili ko. Saka na ko magta-try, pag may kasama na kong magpapahiya rin sa sarili nya. Para masaya.
Nagutom ako, kaya naisipan ko pumunta sa kainan dito at mag order ng pagkain. Pero pag check ko sa menu, holy syet, kung dito ako kakain, malamang mula Nabua hanggang Legazpi eh mag HHWW kami ni Fenrir pauwi. Kaya umalis na lang ako at tumuloy na papuntang Naga.
Pag dating sa centro, isang masayahing matabang bubuyog kaagad ang nakita ko kaya tumigil muna ako para kumain. Pityur na din muna, nakita ko kasi tong asul na ka-waver na kasabayan ko rin makipag laro ng munting karera. Dumayo rin sya sa Naga para kumain sa karinderya ng masayahing bubuyog. Small world.
Nahagip ng camera ko si kuya at si ate, parehong wala pang ICC sticker ang helmet. Buti na lang hindi pa implemented ito (ata?), kundi nako, yari yang tinake-out ninyo kay masayahing bubuyog. Tanghalian pa naman. Tsk tsk.
Nag ikot ikot ako sa mga motorcycle accessories shop dito kasi may hinahanap akong pyesa. Nakailang motorcycle shop na ako, at yung huli eh ganito ang eksena:
Ako: "Boss, meron ba kayo ng gantong pyesa?"
Boss: "Wala ho sir, hindi rin kasi kami nag bebenta ng racing parts eh."
Ako: "Wala na po bang ibang motorcycle accessories store dito?"
Boss: "Try mo dun sa kabila, yung may Castrol Bike Point ang karatula, baka meron, Castrol Bike Point nga ang karatula eh baka may racing parts sila."
Ako: "Galing na ako dun boss, wala din daw sila. Wala na bang iba?"
Boss: "Wala na po sir, ang alam ko kasi na maraming racing parts eh sa Legazpi pa."
Ako:
Nag ikot ikot pa ako ng konti sa Naga, tingin tingin ng mga tanawin. Dumaan sa SM para magpa aircon. Nung mga 4.30pm eh tumulak na rin ako pabalik ng Legazpi, mahirap nang maabutan ng gabi sa byahe. Around 6.30, may araw pa rin naman, nakarating na ako ng Legazpi.
Sana sa susunod kong ride ay may mga kasama na ko, para hindi dyahe mag pityur pityur. Pag nag pityur pityur ka kasi na mag isa ka lang, baka isipin ng nasa paligid mo na ngayon ka lang nakababa galing ng bundok (sosyal na rin ang taga bundok ngayon, naka SE Satio.)
Until next time. Part 1 ang nasa titulo, alam ko kasi may mga susunod pa ito.
No comments:
Post a Comment