Thursday, September 6, 2012

Da Adbentyurs op a Lone Rider Part 3

Nagkaroon naman akong ng bakanteng oras, at nangangati na naman ang aking paa (at kamay) kaya naisipan ko ulit gumala. This time, nag attempt ako na mag mini loop. Albay - Camsur lang, kasi hapon na rin nang naisipan kong gumala. Maganda ang araw, halos walang ulap sa kalangitan, kaya tuloy na ang lakwatsa. Konting preparasyon, and at around 3:00PM, larga na (this time, hindi ko na nakaligtaang ibalik sa stock 36t ang aking rear sprocket).


Wala naman ito sa plano, bigla ko lang naisipan na itry dumaan sa Joroan-Sagnay road, marami kasi dumadaan dito, saka explore ko na rin, kasi sa inuuwian kong bayan ng San Jose sa Partido, dito ang "shortcut" kesa sa dumaan ako sa national highway.

So, from Legazpi, tinahak ko papuntang Tabaco City, then Tiwi. Ang sabi kasi sa akin, diretso lang daw from Tiwi eh mararating mo ang Joroan. After around an hour of exploring (mabagal lang ako magpatakbo, lalong lalo na kung hindi ko pa kabisado ang dadaanan ko), eh narating ko rin ang una kong landmark.
 
 May sinasabi sa akin yang si kuya nung pumarada ako, pero di ko sya naririnig. Naka-headphone kasi ako eh. Ang naririnig ko lang sa mga oras na yan eh "craaaaawwwliiiing iiiiin my skiiiiiiiinnnnnn...", kaya nginitian ko na lang sya.

 Pinarada ko muna si Fenrir dito, konting picture picture, at konting dasal for a safe trip.


Kalaunan, nung papaalis na ako, may sinasabi ulit sa akin si kuya pero hindi ko pa rin sya naririnig, dahil ang naririnig ko lang eh "takes me one step closer to the edge, and I'm about to... BREAK!" Kaya nginitian ko na lang ulit sya at sinabi kong "Sige kuya, salamat."

Tumulak na ulit ako sa byahe, dahil malayo layo pa ang aking iikutin. Maganda ang mga twisties dito, at konti lang ang mga kasalubong mo sa kalsada, kaya maganda mag practice dito ng benking skillz mo. Kaso, konting ingat lang...



^Sa majority kasi ng kalsada na madadaanan mo dito eh walang rail guard, tulad nyang picture sa itaas. Pag nasobrahan ka sa benking mo, eh tiyak may paglalagyan ka. Eto ang paglalagyan mo:


^Hindi lang halata sa picture, pero siguro mga 3 stories din yan kataas. Nakow, yari ang motmot mo, pati na rin ikaw, kung natuluyan ka dyan. Pero bilib din ako sa mga nakakasabayan ko dito, sanay na sanay na sila eh, banking kung banking. Ako mahina lang pagpapatakbo ko, noob pa lang ako pagdating sa benking na yan. :D Heto pa isa oh, may sementadong rail guard (kung matatawag mo nga itong rail guard), pero hindi yan sapat para pigilan kang mahulog.


^Ganda sana ng view, may pampasira lang na dalawang pieces of syet. :D Pag dito ka nagkamali, heto naman ang kalalagyan mo.



^Sarap maglaro dito lalo na sa mga long downhill stretches. Practice pa ng benking!

Sa aking paglalakbay ay may napansin akong isla sa di kalayuan, at sa di ko malamang kadahilanan ay naintriga ako sa islang yun, kaya kinunan ko ng larawan.


^Anybody know the name of that island? Comment na lang. Heto pa, ilang views along the way, kasama na yung isla na yan.


 ^Kaya pala ako na intriga sa islang yan, may white sand oh!










^Yung kalsada sa baba, dyan ako galing. Dyan ko lang napansin na mataas na pala ang aking napuntahan. XD

Sa medyo unahan pa ay nakita ko na ang arko ng 3rd Engineering District ng Camsur, hindi ko na kinunan ng litrato yung arko, maraming tao dun eh, baka mapagkamalang taga-bundok ako ng mga... err... taga-bundok. Some more distance ahead, at nakita ko rin ang landmark na pinagpicturan na rin ng ilan sa aking mga ka-forum sa UBP, kaya siyempre hindi pwedeng hindi ako mag picture dito. Partido Riviera.



^Parang Tagaytay lang eh. XD 

During this trip, may mga kid (yep, kid ang tawag sa batang kambing) na muntik ko nang mabundol, eh biglang tumawid nung papadaan ako, pero mabuti at mabagal lang ang takbo ko, nakaiwas pa ako in time. 

Near miss = 1
Accident = 0


Naisip ko mahirap to pag gabi, baka mabundol na sila ng tuluyan ng mga motoristang nagmamadali. Dapat may nagbabantay din sa mga ito. Hindi lang yan, yang baka sa baba eh nasa gitna ng kalsada yan nung dumaan ako, animong toll gate ba.

Putol pala ang gapos nung baka, asan na kaya amo nya.

Di kalaunan ay pumatak ang ulan, pero mahina lang. Dahil dyan, nagkaroon ako ng pagkakataong makuha sa camera ito:

Rainbow na galing sa gitna ng dagat. XD

Ang susunod na bayan from Joroan ay Sagnay, dun nagpa-gas muna ako kasi malayo pa ang loop ko. Wala na akong picture mula nung dumating ako sa Sagnay, gumagabi na rin kasi kaya nagmamadali na akong umuwi, heto na lang ang iisang picture na nakuha ko, kasi milestone din para sa motmot ko. Lucky number 7. :)

Natsambahan lang to pagtingin ko sa dashboard. 

From there tinuloy ko na ang loop, hindi na ito scenic ride kasi gabi na, around 6.00PM na nung dumating ako sa Sagnay. From Sagnay, lalabas ka ng Tigaon, CamSur. Malapit ito sa San Jose, ang bahay namin sa CamSur, pero wala sa planong uuwi ako dun, kaya tuloy na ang loop pabalik ng Legazpi.

Medyo natagalan ako sa Ocampo kasi ang daming one-way lanes dun dahil marami ang inaayos na kalsada. Traffic, parang sa Quezon din. XD 

All in all, ito naging ruta ko:

Legazpi -> Tabaco -> Tiwi -> Joroan -> Sagnay -> Tigaon -> Ocampo -> Anayan, Pili -> Baao -> Hanggang makabalik ng Legazpi. See map:


Around 8:30 nung mabalik ako ng bahay, over 5 hours of riding. Over 160 kilometers, and around 4.5 liters of gasoline (may konting tira pa, nasa red zone na). Nakakapagod pero worth the experience. Looking forward sa pagbisita ng mga UBPeans dito sa Bicol. 

Til next time.






No comments: