October 17, 2012. Another Wednesday, oras na naman para gumala. May nakita lang akong post ng idol kong solo rider. So nagpasya akong bisitahin rin ang pinuntahan nyang natatagong paraiso na malapit lang sa aming bayan. Konting linis muna kay Fenrir, dala ng extra set ng damit at gamit, larga na. Destination: Paguriran Island.
Medyo late ko nang napagisipang ituloy ang ride ko, kasi nung umaga eh medyo makulimlim ang panahon. Hindi naman tumuloy ang ulan, kaya diretso ang aking lakad. Mga 1:30pm nung nagsimula akong bumyahe papunta ng Sorsogon. Masarap talaga ang twisties ng papuntang Sorsogon, hindi gaanong sharp ang mga curves kaya kahit sa pipitsuging riding skills ko eh kaya kong lumiko dito at full throttle. Hindi naglaon at nakarating ako sa arko ng Sorsogon. Wala ng picture picture kasi nakailang picture na rin ako dito. LOL.
Pag dating ko sa bayan ng Sorsogon, matraffic. Maraming tao. Hindi ko alam eh last day pala ng Kasangayahan Festival. Kaya ayun, rerouting dito, rerouting doon, ikot ikot. In short, nawala ako. LOL. Nagtanong tanong na lang ako sa mga pulis kung saan ba ang alternate route papuntang Bacon. Sinunod ko lang hanggang sa marating ko yung crossroads, may signage naman, diretso papuntang Bacon. If you go right, to Matnog na yun. Tapos binaybay ko ang isang napakahabang barangay road. May mga parte doon na under construction, marami ang one way lanes. Sabak si Fenrir sa tagtagan on rough roads.
After about half an hour of my slow search, nalaman kong nasa tamang daan ako nung makita ko ang aking unang landmark (yun ang ginamit kong landmark kasi yun ang nakita kong post ni idol sa kanyang ride report).
After this, just a few kilometers ahead ay makikita mo na ang mga signage ng mga resort. Medyo mahal ang entrance ng iba sa mga ito, may nirecommend saakin na mura lang ang entrance, kaya yun talaga ang sinadya ko. After a while, nung nasa red zone na ang aking gas level, sa wakas! Narating ko rin ang Paguriran Island Beach Resort.
Nag tanong ako kay ate pag pasok ko dito, 30 pesos na ang entrance at parking fee. Sabi ko hindi naman ako magka-cottage kaya yun lang ang babayaran ko. She was kind enough to let me use the cottage anyway, kasi wala naman daw ibang tao. Sabi ko saglit lang naman ako, just here for the view. Binaba ko muna ang aking mga gamit at nagbihis. Pahinga ng konti bago lumusong sa tubig.
Pagkatapos ng konting kain at pahinga, nag ikot ikot na ako sa resort, at inenjoy na rin ang lugar. Halos walang ibang tao ngayon, hindi siguro peak season. Parang isang eksensa ng "Lost" ang aking nadatnan.
Paguriran Island
After contemplating for a bit, and since nandito na rin lang naman ako, I decided na lumusong na at puntahan na yung isla mismo. Pero I was in for a disappointment. Sabi ni ate, dapat daw tanghali ako napunta dito. 4pm na kasi nung nakarating ako ng resort. High tide na raw. Pero try ko pa rin daw tutal matangkad naman daw ako.
So nakiusap ako na iwan muna sa loob ng bahay ni ate ang aking mga gamit, pwera na lang sa aking cellphone, wallet at susi. Pumayag naman sya, at lumusong na ako, all the while taking pictures.
I was already halfway there pero hanggang leeg ko na ang tubig, kaya naman sanang languyin pero may bitbit ako eh. Disappointed, bumalik na lang ako sa pampang. Dapat talaga maaga ako pumunta (kaya part 4.1 ang title netong post, kasi babalik ako dito, hindi pwedeng wala akong shots sa loob mismo ng isla).
At around 5pm may dumating na mga bakasyonista, from Manila I think. They occupied the cottage next to mine, at para bang takang taka sila sa mga solo riders na tulad ko. Nang intriga ba. LOL. Inaaya ako maki jam sa kanila, pero I declined kasi kelangan ko nang bumalik. After a short chat, nakiusap na lang ako sa kanila na kunan na lang ako ng picture, pumayag naman sila (a rowdy but nice bunch, haha).
Kumuha na lang din ako sa pampang ng mga souvenir ko. Syempre hindi pwedeng wala. Remembrance ba na galing na ko sa lugar na ito. I just selected a couple of random rocks, smoothed by friction from the water.
After saying goodbyes, getting dressed and packing up, by 5.30pm pabalik na ako ng Legazpi. It took me only about 2 hours pabalik, nag tailgate ako sa isang bus para tipid sa gas. LOL. 7.30pm nung pagkarating ko, inayos ko lang gamit ko sabay tulog na agad. Sobrang pagod sa lakwatsa. Pero it was worth it. I WILL be back here, come summer. So 'till then, hanggang part 4.1 muna etong episode ng ride ko.
'Till next time.
No comments:
Post a Comment